free book ebook online reading
eBook Title
Ang Singsing nang Dalagang Marmol
Author Language Character Set
Isabelo de los Reyes Tagalog ISO-8859-1


You are here --- [ Home / Author Index R / Isabelo de los Reyes / Ang Singsing nang Dalagang Marmol / Page #1 ]

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g. Mistakes in the original published work have been
retained in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit. Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga
pagakakamali sa orihinal na pagkakalimbag.]


=Kathâ ni ISABELO DE LOS REYES=

=ANG SINGSING=

NANG

DALAGANG MARMOL

[Larawan: Isang binibini]

Ó SI


LIWAYWAY NG BALIWAG
MGA NANGYARI SA PAGHIHIMAGSIK
Ipinagbibili ng 20 cts. sa daang P. Rada, 467, Tundo.


[Patalastas: La Concepcion; Sanglaan ni Fausto O. Raimundo]


ANG SINGSING

NANG

DALAGANG MARMOL

Man~ga nangyari sa Paghihimagsik


SINULAT MUNA SA WIKANG TAGALOG N~G KAGALANGGALANG
NA ISABELO DE LOS REYES SA PAHAYAGÁNG Ang Kapatid ng
Bayan, BAGO ISINALIN NIYÁ SA WIKANG KASTILA
SA PINAKA FOLLETIN NANG El Grito del Pueblo
NOONG TAÓNG 1905. SAPAGKÂ'T NAWALÂ
ANG UNANG ORIGINAL,
AY MULING SINALIN
SA WIKANG TAGALOG


NI

CARLOS B. RAIMUNDO

MANILA 1912

TIP SANTOS Y BERNAL
Ave. Rizal 414 Sta. Cruz

[Larawan: Hon. Isabelo De Los Reyes]


SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG.

_Magandáng Binibini_:

Sa bilang n~g páhayagáng tagalog _Ang Kapatid n~g Bayan_ na nauukol sa
iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalŕ na ganitó
ang sinasabi:

"Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakŕ ang mainam na kathŕ, (novela)
na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay aming
inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng _tiktik_ na ang _Dalagang
Marmol_ ay nanánagisag sa _kapalaran n~g Filipinas_, na bagama't
ngayo'y tila tumatalikód sa kaawŕ-awŕ nating bayan, n~guni't sa wakás
ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusň (táong may
malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga _tiktik_ ay
nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwŕ ó n~g Mithî n~g bayang
tagalog.

"May balitŕ kaming sinalin na raw sa wikŕng ingles."

"N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang _Dalagang Mármol_
ay walâng ibá kundî si binibining _Liwayway_ na tagá Baliwag, pagkâ't
ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang tumútugón sa m~ga
pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing binibini.

"Talagáng túnay ngâng nakahahangŕ ang kagandahan n~g dalagang
_Liwayway_, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang tinútukoy
n~g nasabing mánunulat, at ang amin lamang masasabi ay yumaon na itó
sa Espańa. Sa kanyá sana tayo makapagtanóng."

At sa _El Grito del Pueblo_ n~g ika 20 n~g sinabing buwán ay
napalathalŕ naman, na dalawáng piling Gurô sa pagtugtog ay nagsikathâ
n~g isáng "Tanda de Vals" na kuha sa guní-guní n~g kaniláng pagkabasa
sa kathâng násabi at yaó'y sadyâng sa inyó nilá ipinatungkól.

Ang m~ga balitŕng it'óy nakaguló n~g aking isipan kayŕ akó humanap
tulóy at nakakita namán sa m~ga natitipon n~g násabing Pahayagán n~g
isáng aklát, na túnay n~gŕ't matatawag na m~ga nangyari sa
Paghihimaksík natin n~g 1899 ang linálamán, n~guni't kun tátarukín ay
makikitang kahalň ang isáng maliming pagaaral sa mahalagá at tan~ging
ugali n~g ating m~ga kawiliwiling babai; kahit ang anyô ó ayos sa
malayň pa'y naghihimatóng gawâ n~g isáng dakilŕng mánunulat na may
lubós kinabatirán sa ating m~ga kasaysayan.

Ilinalahad n~g kathâ, na bagamán parang _mármól ó hielo_ ang babaing
tagalog dalá n~g malaking kahirapan kun ligawan, dapwâ't kung umibig
ay may káya namáng magtiís sa lahát n~g hirap.

Akin n~gang tinagalog, at yamang ikáw pô ang itinuturó n~g inyóng m~ga
kababayan na parang _Dalagang Mármol_, sa gayó'y walâ n~g ibá pang
marapat paghandugán nitóng aking pinagpagalán kundî kayó, bagamán dě
něnyó kilalá ang aking katauhan.

CARLOS B. RAIMUNDO.



Ang Singsing

Nang Dalagang Marmol

I.


Matapus ang kasindáksindák na labanáng nangyari sa m~ga tagalog at
americano sa Kin~gwá, lalawigan n~g Bulakán, n~g iká 23 n~g Abril n~g
1899, na siyáng ikinápatáy kay Coronel Stotsenburg, sa Capitán at ibá
pang m~ga kawal americano, kamíng m~ga tagalog naman ay nagsiurong sa
Sibul, at sa isáng bahay-gamutan n~g aming m~ga kawal ay nátagpuán ko
ang isáng matapang na pinunňng tagalog na bahagyâ náng makagaláw at
makapagsalitâ dahil sa marami niyáng súgat. Malakí ang awŕ sa kanyá
n~g lahát n~g táong nan~garoroón at siyá na lamang ang napagúusapan at
lubós nápupuri dahil sa kanyáng kabihasnán sa pakikilaban at sa
kapusukan sa m~ga pakikipagsagupŕ; at sa katotohanan kahit mamámatáy
na lamang ay pilit pa niyáng napaúrong ang malalakas naming m~ga
kaaway.

Nang aking matantô ang labis na paglilingkód n~g bayaning itó sa ating
Bayan, ay pinagsikapan kong siyá'y alagŕan, bagamán walâ akóng
pananalig na siyá'y maáari pang mabúhay.

N~guni't aywan kun sa kabagsikan n~g bisŕ n~g tubig sa Sibul, ang
pinunong itó na Pusň ang pan~galan, isang araw ay idinilat ang m~ga
matá at nagsalitâ n~g ganitó:

--Sino ka man pô, maawŕíng kapatid na nag-áalagŕ sa akin, kayó'y
pinasásalamatan ko, at ipinamamanhik sa inyó na huwág mo na pông
lubhâng pagsikapang akó'y agawin sa m~ga kukó n~g kamatayan, pagkâ't
batíd kong dî akó mabubúhay dahil sa aking m~ga súgat, at lalňng-lalň
pa dahil sa kainitan n~g lupŕing itó. N~guni't nápakatamis sa akin ang
mamatáy sa paglilingkód sa kapús-palad nating Bayan.

Akó na kaylán ma'y di nakababatid kun paano ang pag-iyák ay kusang
tumulň ang luhŕ ko't niyakap ang bayaning halos ay naghihingalô at aní
ko:

--Huwág ka pông man~gambá matapang na pinunň pagka't nagsísimulâ na
kayó sa isáng panggaling.

--żMan~gambá ang sinabi ninyó--ang sagót ni Pusň--Di ko nakikilala ang
pan~gambá ni ang tákot n~guni, kun inyóng mababatíd giliw na kaibigan
ang lihim n~g luntáy-luntáy kong pusň, marahil kayó rin ang tutúlong
dalá n~g inyóng pagkahabág, upang madalîín ang pagkamatáy ko.

At n~g masábi ang ganitó'y itinuro ang kanyáng singsing sa daliri at
bago nagpatuloy:

--Kaibiga't kapatid; ipinamámanhik ko sa inyóng mangyaring
pag-in~gatan ang singsing na itó pagkamatáy ko, n~g di maalís sa aking
bangkáy at málibing na kasama ko. ˇAy katoto! Kun inyóng málalaman ang
pinanggalin~gan n~g singsíng na itó....

Hindi itinulóy n~g pinunň ang pagsasalitâ pagkâ't di napigilan ang
kanyáng luhŕ sa pagkáalala n~g m~ga kapaitang kanyáng linálasáp.
Inalagatâ kong siyá'y kusŕng liban~gin at pasiglahin ang loób bago
nagkunwa akóng tumatawa:

--ˇHa, ha, ha! Tila ba dî kayó--aní ko--sanáy sa m~ga pakikitunggali,
palibhasŕ lubhâ na kayóng nalulunos dahil lamang sa isáng babai. Aking
ipinaáalala sa inyó, mahál na pinunô, na sa gitnŕ n~g malakíng sakunâ
n~g ating bayan ay di dapat isagunitâ ang bagay na kasalawahang loób
n~g m~ga babai kahit silá'y sakdál n~g gándá.

--Mapalad ka pň, katoto, na sa masíd ay di pa naka lalasáp n~g libong
kapaitan at m~ga lasong natatagň sa pusň n~g isáng babai.

--ˇOh, ginoó! Sa kanilá'y mayroóng masamá at may mabuti rin namán. At
ang tuntunin ko'y náuuwî sa: Madaling pag-ilag sa m~ga may tagláy na
kapintasan at manatili akó sa m~ga mairugin at dî salawahan.

--żAnó ang sabi ninyó? Sa lagay, mayroón kayâng isáng babai man lamang
na dî balibát ang ulo at dî salawahan?

--Mayroón pô at dî ang lahát ay pawŕng kirí ó manglilipad....

--żTúnay kayŕ? Kun sa ganáng akin, lagě na akóng nagíng kapús-palad sa
dî pagkakatagpô n~g isáng babaing may ganáp na pagkukurň at íibig n~g
tapát sa akin.

żAlam mo pô ba kun bakit ang singsíng na itó'y lubhâ kong mimámahál?

--Huwág na ninyóng ipabatíd pagkâ't iyá'y isusukal lamang n~g iyó pông
kalooban.

--Mabuti n~gâ, katoto, na umagos ang aking luhŕ at sa gayó'y maawasán
n~g bigá't yaríng dibdib. Makiníg ka pô at isisiwalat ko sa inyó ang
lihim n~g aking pusň.

Sa kaunti kong kabatirán tungkól sa pagkasalawahan n~g m~ga babai,
lalň ang magagandáng maraming nan~gin~gibig, ay dî ko pinaháhalagaháng
gasino mulâ pa sa aking pagkabatŕ ang ganyáng ásal; at ang palakad
kong itó'y nagíng makabuluhán sa akin, palibhasŕ, kun lumalayô ang
isáng lalaki ay silá an~g nagsisilapit, at kun ang lalaki'y
nagpapakita n~g katamlayang loób at napagiin~gatang katabayin ang
pag-iisip sa m~ga dahilanin n~g pagibig, ay madalîng makatagpô;
n~guně, kung ang lalaki'y maging mairugín ay agád kang hihiluhin n~g
m~ga babai at pahihirapang lábis n~g walŕ muntî mang awŕ.

--Gayón, palá't batíd mo pô ang lahát n~g iyán, żbakit kayó napasilň?

--Akin nan~gâng sinabi, katoto, na kaylán ma'y di akó umibig sa
kanilá; n~guní dalá yatŕ n~g aking malungkót na kapalaran, isáng araw
ay nápaparito akó sa lalawigang itó n~g KABULAKLAKÁN ó Bulakán--sa
m~ga kastilŕng dî mátumpák bumigkás n~g máayos--at sa isáng maligayang
halamanan ay nakita ko si Liwayway na sa kagandahan ay higít n~g
malakí sa balitŕng Helena, na dahil sa pagkatakas sa kanyá sa Paris ay
siyáng pinanggalin~gan n~g kasíndák-sindák na patayan n~g m~ga panahón
n~g kabayanihan.

Ang binibining itó'y túnay na tila isáng _Dalagang Mármol_, dî lamang
sa pagkakahawig sa larawan ni _Venus_ na aking nákita sa Museo n~g
Louvre sa París, kundî pagkâ't tila dî nakaráramdam kun minsan.

--Sinabi ko ná sa inyó, na ang kagandahan nilá ay siyáng
nakapagbibigáy n~g kayaban~gan at kakirihán. Masisirŕ, sa wakás, ang
inyóng isip pag-isasaloób ang libolibo niláng pang-aaglahi.

--N~guni, żdî ba dayŕ ikararagdág pa sa halagá n~g kaniláng m~ga
kagandahang lantád, kun silá'y umibig n~g matibay at huwág parang
isáng babaing nápalungî, na sa kanyáng malabis na karálitâán ay
napipilit itakal ang m~ga pinaghunusan n~g kanyáng kahihiyán sa bala
nang mákaibig?

--Sana n~gâ pô; n~guni't ang babai'y talagáng siyáng _demonio_ na
ating kaaway, at úpang huwág nating mákilala ang kaniláng kasukabán ay
ipinamámasid sa atin ang dati niláng mukhâ noóng silá'y isáng _angél_
pa, at sakŕ nagsosoót n~g barň't sáya.

Si Pusň'y nán~gitî n~g márinig ang masayá kong birň at bago nagsalitâ:

--Hindî, katoto; si Liwayway ko'y dî mangyayaring magíng isáng
_demoniong_ may baró't sáya, kundî isáng diwatŕng nagliliwanag sa
kanyang dikit at kahinhinan, Gayón man, ˇoh, pusň! gaánon~g hapdî n~g
súgat na sa iyó'y ipinagkaloób n~g malupít na diwatŕng iyan!...

Hindî náituloy ang pagsasalitâ, umiyák at halos nagsimulâ sa
paghihin~galô.




II.


Sumigaw akóng nagpagibík at aming pinagtulúngtulun~gang hinimasmasán
sa pagpapaamóy n~g _eter_ ang kaawŕ-awŕng si Pusó, at n~g makalipas
ang may kalahatîng oras ay nagsaulě sa malay-táo, n~guni't dî ko na
siyá pinayagang bumanggit man lamang sa pan~galan n~g kanyáng
tinatawag _Dalagang Mármol_.

Makalipas ang dalawáng araw at n~g tila siyá bumubuti n~g bahagyâ ay
tinawag akó't anyá:

--Ang aking kunwâng paggalíng na inyóng námamasdán ay hindî tátagál at
di sásalang akó'y mamámatáy rin agád.

--żSa kátaón pa naman--aní ko--na n~gayó'y madalî náng sumusúlong ang
inyóng paggaling?

--Iyá'y akalŕ lamang ninyóng mag-isa, at yamang may natitirá pa akóng
kaunting búhay, n~gayo'y ipatutuloy kong ipahayag sa inyó ang m~ga
kapaitang linalasáp niaríng kalulwá, upang akó'y pautan~gin ninyó n~g
loób na ganapín ang iláng ipagbibilin ko, sakaling mátagpűán ninyó ang
_Dalagang Mármol_.

--ˇMármol na namán! Útang na loób, kapatíd ko, huwág na sana munang
banggitín n~gayón ang pan~galang iyán pagkâ't lúlubhâ ang iyó pông
karamdaman.

--Námamalî ka pô, katoto; lalň akóng bibigát at dî makakátulog sa
pag-áalalang akó'y mamámatay n~g di nalalaman ně Liwayway, na ang
katapusáng pagmumuni ko't buntóng hinin~gá'y sa kanyáng lahát
nátutungkól.

--Ang m~ga babaing parang _mármol_ na may pusňng matigás at malamíg
na parang _hielo_, ay dî karapatdapat makabalino sa ating pag-iisip,
lalňnglalň pa sa kalagayang paris n~g înyó.

--Walâ kayóng pagtin~gín sa akin, katoto, kundî pakikinggán ang
ipagbibilin ko--aní Pusň na parang walâ nang pananalig.

At n~g masabi itó'y naták ang luhŕ. Upang huwág n~g lalňng
magdalamhati pa'y náyag na akóng siyá'y dinggín, bakit talagá rin
namáng malabis ang han~gád kong maunawŕ ang m~ga lihim n~g dakilŕng
pusňng iyón n~g bayani.

--Si Liwayway--aní Pusň--ay naninirahan sa Baliwag sa bayan n~g m~ga
nakawiwiling dalaga. Sa lalawigang itó'y walâ náng ibá pa na tan~gi sa
pagkamagandá n~g kanyáng m~ga binibini kundî ang bayang iyón.

--Alám ko ná.

--At kun nakabibighaně ang halos lahát n~g babai sa násabing bayan, si
Liwayway ko ang parang hari nilá dahil sa walâng kaparis na
kagandahan. Ang kanyáng mukhŕ'y nagníningníng na parang araw, at upang
paputîín at pamurukin ang kanyáng m~ga pisn~gí ay pinili n~g Lumikha
ang mababangóng kampupot at alejandría, pinaghalň at doón kinuha ang
kanyáng kúlay, kaya maputîng parang azucena na nasasapyawán n~g
pamumúrok ang balát na parang búlak sa lambót. Ang buhók ay kúlay
gintô at tila sadyâng kinulót n~g maselan na kamay n~g m~ga diwatŕ.
Mainam at kahilěihilě ang húbog ng ilóng at pati m~ga tain~ga, sampu
n~g dalawáng matáng nan~gun~gusap sa kapun~gayan; m~ga n~giping parang
pinili, malinis at maputîng parang gáring; babang nakalulugód ang
pagkahatě, at ang kanyáng makipot at mainam na bibig ay tulad sa isáng
bulaklák na bagong bumubuká ó sa isáng bátis n~g matamis na biyayŕ
pagkâ't makitid at namúmulá ang kanyáng kabighábighaning labi't n~guso
at ˇay! kung mangyayari sanang aking máhagkáng minsán, marahil ay
máraragdagán pa ang búhay ko!

At sinabi itó n~g may kasamang malalim na buntóng hinin~gá.

--żTotoó kayâ--ang tanóng ko sa kanyáng tumatawa akó upang
pasiglahín--na kayó'y gágalíng sa isáng matamís na halík ni Liwayway?

--Walâng pagsala, maniwalŕ kayó sa akin; nguně, ˇkaawŕ-awŕng pusň ko!
ˇwalâ ná ang iyóng Liwayway at dî ko alám kun saán naroón n~gayón!

--Ihimatón man lamang ninyó sa akin at pagsisikapan ko ang siyá'y
hanapin.

--Huwág na kayong mapágod, pagkâ't dî sásalang siyá'y lubhâng malayň
ná, at isá pa, tiyák na magíging láson sa akin kun malaman ko pa ang
kanyáng kinásapitan.

--żAt bakit?

--Iyán n~gâ ang lihim na kanino ma'y dî ko masasabi at dadalhin ko na
sa húkay. Si Liwayway ay parang isáng makisig at masayáng kulasisi na
nakawiwiling pakinggán pagmasayáng nagsasalitâ at dî nagbubulŕan.
Siyá'y balita sa lugód at inam makipag-usap; n~guni't mulŕ n~g akó'y
kanyáng mákilala'y naparam na biglâ ang kanyáng pagkamasayá; parang
ibong nalaglág sa isáng sumpít at naging larawang _mármol_ n~g pumaták
sa lupŕ.

--żAt ano ang naging sanhi?

--Ang lan~git lamang ang nakatatalós. Isáng araw ay dumatíng kami sa
nábangít náng bayan ni Liwayway. Doó'y tinipon ko sa liwasán ang
pulutóng n~g aking kawal bago kami pasalabanán sa Marilaw, at aking
pinan~gusapan upang silá'y pasiglahín at ipabatid tulóy ang lahát n~g
dapat gawin. Maraming táo ang nanoód at nakinig n~g aking talumpatí na
walâ sa áyos at sahól sa linálamán; n~guni, marahil sa awŕ n~g m~ga
táo sa akin dahil sa akalŕng akó'y mamámatay na walâng sala sa
dadayuhing labanán, ay kinalugdán din akó't ipinagdíwang kahit dî
karapatdapat.

Nang akó'y manaog sa pinagtalumpatian ay námasdán ko si Liwayway sa
isáng súlok.

Sinasabi sa m~ga Banal na Kasulatan, na ang _angel_ na nákita ni
Magdalena at m~ga kasama sa libin~gan ni Jesus, ay nagníningníng na
parang araw. Gayón din si Liwayway, kumikináng sa kanyáng kagandahan,
katimpîan at kahinhinán na parang bukáng liwaywáy n~g isáng araw na
maligaya.

Sa m~ga sandalîng yaón ay gumiít sa aking puso ang isáng tan~ging
damdamin na dî ko málamang sabihin at kaylán man hanggá noón ay dî ko
pa napagkákabatirán. Ang kanyáng pananamit ay karaniwan, n~guni't
malinis gaya n~g laging isinosoót n~g m~ga babaing bayan; at nabatíd
kong siyá'y isáng ulila na kinúkupkóp lamang n~g isáng matandâng
dalaga. Akó'y nagkaroón n~g magiliw na pagtin~gín sa kanyá at aking
linapita't siya'y binati.

Magiliw namán siyáng sumagót, at dî nalalamang sa aking dibdib ay
nagninin~gas ná ang isáng damdaming marahil ay yaón ang tinatawag
ninyóng pag-ibig.

Matapus ang sandalî sa m~ga salitâan naming walâng kabuluhán ay sinabi
ko sa kanyá:

--Liwayway, ˇoh, himalâng Liwayway sa kagandahan! Akó'y paroroón ná
sa labanán at malapit ang dî ná ninyó akó mákita. Akó'y paris din
ninyó, ulila sa lahát. Kun ang aking hinin~gá'y malagót sa párang n~g
pakikihamok, ay parang isáng muntîng ilaw lamang na pinatáy n~g
han~gin. Sa bagay na itó, żmaipagkákaloób kayâ ninyó, diwatŕ n~g
habág, ang mahalagá mo pông pańô upang akó'y may máidampî ó máitalě sa
aking magiging súgat?

--Opň, ginoó--ang magiliw na sagót ni Liwayway at ibinigáy sa akin
yaóng naipakamahalagáng pańô na nakapulupot sa kanyáng leeg na parang
linalik.

Hinagkán ko ang maban~góng pańô at agád kong itinagň sa bulsá sa aking
dibdib.

Napipi ang aking lugód at nasŕng paggantíng loób sa kagandahang pusň
ni Liwayway; n~guně't kulang pa rin ang katuwŕa't ikasisiyá kong
loób, pagkâ't bagamán ibinigay ná sa akin ang kanyáng pańô, ay
ipinalalagáy kong parang limós lamang sa kaninomang tagatanggól n~g
tinubůan; datapwŕ't sa kabilâng dako, nahihiyâ namán akóng magparamdám
agád sa kanyá sa lubós na kadalîán n~g umúunlád kong pag-ibig, at
súkat ang sinabí ko sa kanyáng:

--Maraming salamat, mahabaging Liwayway; at gantihin nawa n~g Lumikhâ
ang pusň mo pông gintô. Lahát n~g aking m~ga kawal ay may tagláy na
kalmen ó antíng-antíng upang máligtás silá sa punlô, n~guni, ulóg
lamáng ang iyó pông lingkód na walŕ anománg agimat, at dahil dito, kun
parang limós na ibigay ninyó sa akin ang isáng buhók mo pô na labis
kong pinaháhalagahán, ay ikalulugód ko at siyáng makapagbibigay sa
akin n~g tápang at kahihiyán sa dî pagdúrong, pagkamí'y binabakang
mahigpít n~g mayayaman at malalakás nating kaaway.

Nang máriníg itó ni Liwayway, minasdán akó, namulá n~g bahagya at dî
akó sinagót agád; n~guně n~g makalipas ang sandalî ay lumagót n~g isá
sa kanyáng mainam na buhók at ibinigáy sa akin n~g malwág sa kalooban.

--Aytó pô--anyá--Láhat n~g maitutulong ko sa ating m~ga bayani, agád
maáasahan sa akin.

Hinagkán ko ang buhók na aking kaaliwan at sakâ ko binalot sa pańông
itinatagň sa bulsáng na sa tapát n~g dibdib.

Ibig ko pa ring magsalitŕ at buksán ná sanang minsán ang aking pusň sa
linalan~git kong dalaga; n~guni, akó, na kaylán ma'y dî nakakilala n~g
tákot ay nagíng umíd, dalá n~g pan~gingilag na bakâ sabihin niyáng
akó'y isáng mapan~gahás.

Sumakáy ná akó sa aking kabayo at ipinag-utos kong lumakad ná agád
ang aking m~ga kawal at n~g lilisanin ka ná si Liwayway ay inyabót ko
ang aking kamáy at isinalubóng anamán niyá sa akin ang kanyáng
maririkít na dalirě. Di na kó nakapigil at pagdaka'y pinan~gahasan
kong hinagkán ang magandá niyáng kamáy at sakâ ko sinabi n~g ako'y
humihikbî:

--Paalám ná, ˇbúhay ko! Kinaí-inggitán kong túnay ang mapalad na
lalaking magkákamit sa nápakamahalagá at dakilŕ ninyóng pusó.

żAkalá ba ninyó'y umiyák namán ang _Dalagang Mármol_ n~g akó'y
mákitang híhikbî-hikbî'y lumalakad na tún~go sa pakikilaban at sa
kamatayan? ... ˇHindî pô! Súkat ang akó'y minasdáng parang siyá'y
námanghâ.

At ang gayó'y nagíng parang isáng tinik na mahayap sa aking pusňng
nahahapis, pagkâ't inasahan kong siyá'y umiibig ná sa ibá. Gayón pa
man, ang pagyao nami'y lubhâng kalagím-lagím at halos lahát n~g m~ga
babai'y nagsi-iyák, tan~gi lamang yaóng diwatŕng _Dalagang Mármol._




III.


Talagáng túnay n~gâng kapuripuri si _General Antonio Luna_ sa m~ga
labanáng lantaran, palibhasŕ'y tagláy ang katapan~gang dî
pangkaraniwan, at dahil dito'y madalás niyáng maampát ang kabilisán sa
pagsalakay n~g m~ga kawal americano, na may magagalíng na kańón,
baríl, maramíng kabayong malalakí at ibá pang kasangkapang pawŕng
kalwagan sa pakikilaban; m~ga bagay na siyáng totoóng kulang sa amin,
sa lubós na kasamâáng palad.

N~guni't sa isáng dako nama'y masasabing si Emilio Aguinaldo'y
talagáng dalubhasŕ sa m~ga kaisipán at paraán n~g pagtambáng at
panunúbok sa kaaway na dî nakahandâ; at dahil sa m~ga kagagawáng itó,
malakí ang kanyáng nápulô noóng labanán sa kastilŕ, hanggán sa
naratíng niyá ang magíng Pang-ulo n~g m~ga general na naghíhimagsík.

Ang katotohana'y dî n~gâ dapat makilaban n~g mukhâán sa isáng kaaway
na may sapát na lakás at nakahíhigít sa lahát n~g bagay, at walâ
n~gâng dapat gawín kundî daanin sa paraáng ikabibiglâ at sa m~ga
pagtambáng.

Ang m~ga americano'y nan~gakaratíng ná sa Malolos, at kinalatan nilá
n~g m~ga pulutóng na tánod ang lahát n~g himpilan n~g tren sa Bulakán
at pinagsisikapang máitaboy si General Luna sa kabilâng dáko n~g ilog
Kalumpít.

Sa gayó'y náisip naman ni Aguinaldong _dukutin_ ang m~ga pulutóng na
nagtatanod sa m~ga himpilan n~g tren sa Bigaá, Bukawe at Mariláw; at
isáng gabí ay pinalakad ang m~ga kawal na lúlusob at pati siyŕ'y
dumaló búhat sa San Rafael, upang pamahalŕan ang pagsalakay.

Ang paraán ni Aguinaldo'y pinalad. Sa lubós na pagkabiglŕ n~g m~ga
americano dahil sa dî nilá ináasahang kapan~gahasan n~g m~ga tagalog,
agád siláng nagsitakbó't nagtipon sa Guiguintô at ang iba'y sa dákong
Maynilŕ, datapwâ't sa pag-urong ay marami ang nápatáy n~g m~ga
tagalog; at sana'y mádadakíp na lahát kun nátanggáp lamang ni General
Luna ang pautos ni Aguinaldo at nakadaló siyá n~g kasalsalan n~g
labanán. Gayón man nakúha rin namin ang lahát-lahát na lamán n~g
tatlóng Himpilang násabi.

Alám na ninyóng m~ga tagarito na akó ang lalňng ipinagdíwang sa gayóng
pagtatagumpáy namin, pagkâ't kundî lamang dahil sa akó ang siyáng
namayaning agád dumaluhong at nakalupig sa m~ga kaaway, kundî pagkâ't
dahil din naman sa aking mabisŕng pagdaló ay nagtagumpáy rin ang m~ga
pulutóng na pinalúsob sa ibá't ibáng poók. N~guni't sa labanáng itó'y
mulî akóng nasugatan n~g malubhâ, kayâ ginawâ akóng _Coronel_ ni
Aguinaldo at ipinadalá akó sa bayang Baliwag upang ipagamót,
palibhasŕ'y para akóng patáy n~g damputín sa párang n~g labanán.

Nang magsimulâ akó sa paggalíng at idilat ang aking m~ga matá, akalŕ
ko ba'y nahíhibáng akó, nan~gan~garap ó nápaakyát sa lan~git, pagkâ't
námasdáng hindî ibá ang nag-áalagŕ sa akin kundî ang kawiliwiling
dalaga na nagpaalab sa payapŕ kong pusň n~g isáng parang Volcáng
pag-ibig.

Kusŕ akóng nápasigáw agád at buntóng hinin~gá kong sinabi ang:

--ˇLiwayway! ˇLiwayway! żIkáw n~gâ pô ba ang matamís kong Liwayway?

--Opň--sagót n~g _Dalagang Marmol_--n~guni't huwág kayóng magsalitâ,
pagkâ't ibinabawal n~g manggagamot.

--Bayŕan ná ninyó, at kahět mamatáy man akó n~gayó'y mámatamisín ko
rín, pagkâ't sa pilin~g mo pô pápanaw ang búhay kong walâng kabuluhán.

--Huwág pô--aní Liwayway--Ikáw pô'y lubhâng batŕ pa at gayón ma'y
_Coronel_ ná at marami n~g kapuriháng tinamó sa pagtatagumpáy.
Aalagŕan naming mabuti ang mahalagá ninyóng búhay na lubháng
kailan~gan pa n~g ating kaawŕ-awŕng Bayan.

--Nakawáwalâ n~g pag-asa ko, Liwaywáy, ang máriníg sa inyó na akó'y
iyó pô lamang ináalagŕan at ginagamót upang maipagtanggól ko ang ating
tinubůan. Nais ko ang maglingkód sa kagalang-gálang nating Ináng
bayan, n~guni, han~gád kong mabúhay namán upang ikaw pô, aking
kayamanan ay siyáng magpalasáp sa akin n~g m~ga katamisan n~g
pag-ibig.

--Maghunos dilě ka pô, ginoóng _Coronel_--ang sagót niyá sa aking may
kalamigán n~g isáng _mármol_--tila yatŕ pan~git na ikáw pông hindî
napasukň n~g malalakás na americano, n~gayó'y magiging bihag lamang
n~g isáng dukhŕng babai, n~gayón pa namán sa m~ga dakilŕng sandalî na
lubhâng kinakailan~gan n~g ating Bayan ang iyó pňng talino at lakás.

--Dî ko kailan~gan turúan mo pô akó n~g tungkól sa pag-ibig sa lupŕng
tinubůan; n~guni't ikáw pô at ang inyóng kataká-takáng kagandahan ay
bahagi rin namán n~g Bayang iyán. Ang kátamis-tamisang pag-ibig
ninyóng m~ga dalagang kababayan, ay siyáng tan~ging nápakamahalagáng
gantíng palŕ na ináantáy naming kamtán sa likód n~g lubhŕng pagsisikap
sa pagtatanggól n~g ating bayan, kahit puhunanin ang aming búhay.

Hindi tumugón ang _Dalagang Mármol_; kumuha n~g isáng mangkók na sabáw
at ipinainóm sa akin na para bagang dî niyá nápansín ang m~ga sinabi
ko.

Sa gayó'y aking binalikán ang paglúhog at ani ko:

--Aking nakikita Liwayway, na walâng pakiramdám, na kúlang akóng lubós
sa m~ga karapatán upang ihandóg sa inyó ang marálitâ kong pusň. Gayón
man, marapatin ninyóng sagutín lamang ang aking itinátanóng upang
maawasán ang aking dibdíb sa isáng pag-áalinlan~gang totoóng
nápakabigát.

--żAt anó pô iyón--aní Liwayway.

--Ipagtapát mo pô lamang sa akin kun mayroón nang lalaking lalňng
mapalad na siyáng nag-íin~gat sa susi n~g dakila ninyóng pusň.

--Walâ pô. Kaylán ma'y dî ko pa ginágawâ ang umibig dahil sa aking
lubhâng kabatŕan. At ináakalŕ ko na kaylán ma'y dî ko ná marárating
ang umibig, palibhasŕ'y walŕng tumataláb sa aking damdamin sa m~ga
pagsintáng isinusuyň n~g m~ga binatŕ.

Ganyán dî pô ang akalŕ ko bago kayó nakilala; masanghayang bulaklák
n~g luwalhating Bulakán, n~guni't n~gayóng násumpun~gán ko ang lábis
na hináhanap ó kayâ'y ang isáng pusňng malinis na walâ pang iníibig,
ˇay Liwayway! tugunín mo pô akó, alang-álang sa Lumikhâ, at kun hindî
ay huwág na ninyó akóng alagaan pa ni gamutín, palibhasŕ nais ko pa
ang mamatáy kay sa mabúhay n~g walâng ináasahan.

Hindî rin sumagót ang _Dalagang Mármol_ ni nabago ang kanyáng mukhâ:
túlad na mistula sa _mármol ó hielo_; n~guni't marubdób ang pag-áalagŕ
niyá sa akin, at umaga't hápon ay hináhandugán akó n~g magaganda't
sariwŕng bulaklák na pitás sa kanyáng marilág na halamanan.

Ganyáng talagá ang lahát n~g dalagang tagalog na nátatan~gi sa
kaniláng likás na kahinhinan at samantalang mahihirap mapasogót ay
lalň namáng nagliliyáb ang ating pag-ibig sa kanilá.

N~guni, ˇay! Ang _hielo'y_ untî-untîng natutunaw ná at ang larawang
_mármol_, parang hiwagŕ'y nagkákaroón n~g búhay at kasiglahán at
nagiging mairugíng kasintahan n~g dî niyá námamatyagán man lamang.

Kaylán ma'y hindî ipinagtapát sa akin na iníibig niyá akó; n~guni't
isáng araw na akó'y dinalaw n~g m~ga pinunň n~g aming hukbó,
silásilá'y nagpápainamán n~g pag-garŕ kay Liwayway, at siyá, malayňng
lisanin ang gayón ay masayáng nakikipag-usap sa kanilá.

Ang ganitó'y sumúgat sa lalóng kalaliman n~g aking pusň, palibhasŕ
kaylán ma'y dî siyá nagpamalas sa akin n~g gayóng pagkatuwŕ. N~guni,
dî akó nagpahalatâ at gayón pa man, sa masíd ay parang ikinalilibáng
ko rin ang katuwŕan nila.

Nang makaalis ang m~ga panauhin, lumapit sa akin si Liwaywáy upang
akó'y gamutín, n~guni sinabi ko sa kanyá n~g mabuti ang aking mukhâ at
sa lubós na paggalang, na magágamót ko náng magisá ang aking m~ga
súgat, pagkâ't akó'y malakás ná.

Siyá'y nagpumilit; n~guni't dî ko pinayagan.

--żSumukal ba ang inyóng loób sa akin?--ang tanóng niyá na aking
sinagot namán n~g:

Walâ akóng kapangyarihang magalit sa inyó, Liwayway; n~guni't
nakasúgat n~g malubhâ sa akin ang kasayahang isinalubong ninyó sa m~ga
binatŕng pinunň, pagkâ't sa akin, kaylán ma'y dî mo pô náipakita ang
mahál ninyóng pagtawa.

--ˇNakú! żat dahil lámang diyán?

--żLámang ang sábi ninyó? Dapat mo póng mabatíd, Liwayway, na túnay
akóng nasaktan; at saksí ko ang Diós: ibig ko pang mamatáy n~gayón
din--ang náisigáw ko n~g dî na naaring ipagkunwarî pang itagň ang
aking dinaramdám.

--żAt kun akó na lamang ba ang inyóng patayín, yamang akó ang tan~ging
nagkasala?--ang mairog niyang tugón sa akin.

--żAt sino akong papatáy kun ganitóng walâng-walâ akóng kapangyarihan
sa inyó?

--ˇAh totoó n~gâ palá! Upang magkaroón n~g kapanyarihang iyán ay
tanggapin ninyó n~gayón ang marálitâng singsíng na itó: Siyá ang
inyóng kagatin at sa kanyá ibuntó ang inyóng malabis na gálit--ang
sinabi niyá at saká nagtawá.

Agád akóng nákaramdam n~g isáng katuwaáng hindî masáyod. Natulad akó
    
Page 1   |   Page 2>>
Go to Page Index for Ang Singsing nang Dalagang Marmol

You are here --- [ Home / Author Index R / Isabelo de los Reyes / Ang Singsing nang Dalagang Marmol / Page #1 ]